"ANG BINATA SA PUNO NG HIGERA" 1 Sa may gitnâ nito mapanglaw na gubat may punong Higuerang daho’y kulay pupás, dito nagagapos ang kahabag-habag isang pinag usig ng masamang palad. 2 Bagong taong basal, na ang anyo’t tindig kahit natatalì kamay, paá’t liig kundî si Narciso’y tunay na Adonis mukha’y sumisilang sa gitnâ ng sákit. 3 Makinis ang balát at anaki’y burok pilikmata’t kilay mistulang balantók bagong sapóng ginto ang kúlay ng buhók sangkáp ng katawa’y pawang magkaayos. 4 Dangan doo’y walang Oreadang Ninfas, gúbat na Palasiyo ng masidhing Harpías, nangaawa disi’t na akay lumiyag sa himaláng tipon ng karikta’t hirap. 5 Ang abáng uyamin ng dálita’t sakit ang dalawang mata’y bukál ang kaparis, sa lúhang nanaták, at tinangis-tangis ganito’y damdamin ng may awang dibdib. 6 Mahiganting langit, bangis mo’y nasaan? Ngayo’y naniniig sa pagkágulaylay Bago’y ang bandilà ng lalong kasamaan sa Reynong Albanya’y niwawagayway. 7 ...
"SA MADILIM NA GUBAT" 1 Sa isang madilím gúbat na mapanglaw dawag na matinik, ay waláng pagitan, halos naghihirap ang kay Pebong silang dumalaw sa loob na lubhang masukal. 2 Malalaking kahoy ang inihahandóg pawang dalamhati, kahapisa’t lungkot huni pa ng ibon, ay nakalulunos sa lalong matimpi’t nagsasayáng loob. 3 Tanáng mga baging, na namimilipit sa sangá ng kahoy, ay balót ng tinik may bulo ang bunga’t nagbibigay sákit sa kangino pa máng sumagi’t málapit. 4 Ang mga bulaklak ng nag tayong kahoy pinakapamuting nag-ungós sa dahon pawang kulay luksa, at nakiki ayon sa nakaliliyong masangsang na amoy. 5 Karamiha’y Ciprés at Higerang kutád, na ang lilim niyaón ay nakasisindák ito’y walang bunga’t daho’y malalapad, na nakadidilím sa loob ng gubat. 6 Ang mga hayop pang dito’y gumagalâ Karamiha’y Sierpe’t Baselisco’y madla, Hiena’t Tigreng ganid na nagsisisila, ng búhay ng tao’t daigíng kapwa. 7 Ito’y gúbat manding sa pinto’y malap...